iskrats lang to..
Ang iskratspeyper na ito ay libangan ng blogistang si Fay. Dito ko ibinubuhos ang mga nararamdaman ko (di puro sama ng loob dahil di naman ako najejebs). Kung napapangitan kayo wala akong pakialam sa nararamdaman niyo dahil iskratspeyper ko naman ito. Kung may masaktan man sa mga nilalaman ng iskratspeyper na ito, mamaga sana ang masama kong mga daliri dahil type ng type kahit pa masasama ang mga salita. Pag binato niyo ako ng bato, babatuhin ko kayo ng binilog na iskratspeyper ko. Kamehameweyb!! Bleh! Ang tamaan iyak-tawa. Nye-nye-nye-nye-nye!
sinong may-ari ng iskratspeyper na ito?
Si Fay. Nag-aaral sa USTe. Mataas mangarap (sa simpleng salita, ambisyosa!) moody, makulit (adek ka ba ha?), medyo papansin (ADHD?). Sa ngayon, nangangarap akong maging journalist ng diary, broadcaster ng mga tsika, bartender sa kusina, manunulat sa iskratspeyper, chef sa turo-turo, forensic expert (magmemek-ap lang ng bangkay), psychologist para sa sarili ko, titser ng askal, artista sa panaginip, super model sa kanto, mekaniko ng bisikleta, magsasaka ng damo, mambobote ng dyaryo, sepulturero sa Sagada, tindera tinapa, basurera sa Hollywood, at kung anu-ano pa.
Happy blogoversary